Inilabas na ni Pangulong Bongbong Marcos ang Proclamation No. 297 na nag-aalis sa State of Public Health Emergency sa bansa dahil sa COVID-19. <br /><br />Inilabas noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 922 na nagdeklara ng State of Public Health Emergency sa buong bansa sa pagsisimula ng pandemya noong March 2020. <br /><br />Patuloy pa rin daw tututukan ng gobyerno ang pagtugon sa pangangailangang medikal ng publiko. Alamin sa video ang iba pang detalye.